Pag-unlad sa Trabaho

Sa isang punto sa buhay ng isang tao, puwedeng magkaroon ng krisis na labis na makaapekto sa kanyang pamumuhay, edukasyon, at trabaho. Dito sa California Clubhouse, may iba't ibang programang nakatuon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal, na makakatulong sa kanilang makabalik sa trabaho.k.

Impormasyon Tungkol sa Pag-unlad sa Trabaho

alfons-morales-YLSwjSy7stw-unsplash

Edukasyon

Mayroon kaming mga resource para sa mga pang-akademiko at bokasyonal na lokal na paaralan. Nag-uugnay rin kami ng mga kasamahan sa mga oportunidad sa edukasyon sa mas malaking komunidad, gaya ng mga webinar ng iba't ibang organisasyon at mga klase sa pagpapayo ng peer na isinasagawa ng Caminar. Dahil nagtutulungan ang aming mga programa sa edukasyon at trabaho, sinusuportahan din namin ang pagsasanay para sa mga bokasyonal na kurso gaya ng sertipikasyon para sa Food Handler. Ang Clubhouse ay isang lugar kung saan puwedeng matuto ang mga indibidwal sa pamamagitan ng pagkilos! 

christin-hume-Hcfwew744z4-unsplash

Pag-unlad sa Trabaho

Ang Programa sa Pag-unlad sa Trabaho ang nagho-host sa Job Club at Job Search, nagho-host ng mga lingguhang online na meeting nanakatuon sa mga kakayahan gaya ng paghahanap ng mga job posting, pagpapadala ng mga email sa negosyo, pagkatuto ng mga dapat gawin sa interview, at paggawa ng mga resume. Nagho-host din ang programa ng buwanang Soiree para sa Mag-aaral/Dinner sa Trabaho na iniaangkop sa mga miyembrong kasalukuyang nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho.

dariusz-sankowski-dvK_CT1Wg78-unsplash

Kahandaan sa Trabaho

- Suporta sa Resume at Cover Letter
- Suporta sa Paghahanap ng Trabaho at Mga Mock Interview
- Makipagpulong sa Coordinator sa Trabaho bilang resource
- Makipagtulungan sa mga peer para sa suporta at gabay

Ang aming Soiree para sa Mag-aaral/Dinner sa Trabaho ay isang libreng dinner para sa mga miyembro, nang sa gayon ay makapagkwentuhan sila tungkol sa trabaho. Kadalasan, may nakatakdang paksa at tagapagsalita sa dinner. Hino-host ang mga dinner nang isang gabi bawat buwan, Sa virtual na paraan namin ito ginagawa sa kasalukuyan.

te

Programa sa Transitional na Trabaho

Paglalarawan

Ang Transitional na Trabaho ay isang karapatan sa membership na nagbibigay ng mga oportunidad sa mga miyembro na magtrabaho sa mga sinusuportahang placement ng trabaho sa komunidad. Ang kagustuhang magtrabaho ay ang nag-iisang pinakamahalagang salik sa pagpapasya kaugnay ng oportunidad sa placement. Ang mga placement ay part-time (15-20 oras) at tatagal nang 6 hanggang 9 na buwan sa lugar ng negosyo ng employer.

Mga Detalye
Para sa Mga Employer

"Ang Transitional na Trabaho ang pinakamainam na paraan ng pagbalik sa trabaho, dahil alam mong may taong nariyan para suportahan at tulungan ka sa pag-unlad" -Ann

20171130_151350

Independent na Trabaho

Agn Independent na Trabaho ay full-time o part-time, kung saan mag-isang naghahanap ng trabaho ang miyembro, nang walang tulong mula sa clubhouse. Tutulong ang Clubhouse sa pag-unlad sa trabaho kung sakaling kailanganin ito ng miyembro.

Sinusuportahang Trabaho

Sa Sinusuportahang Trabaho, susuportahan ng Clubhouse ang miyembro sa paghahanap niya ng trabaho. Tulong ito sa paggawa ng resume o paghahanap ng mga posibleng employer ng miyembro, pag-unlad sa trabaho, pag-coach sa trabaho, o pag-mock interview sa miyembro sa kanyang gustong abutin sa trabaho.