Mga Pinapatakbong Clubhouse
Ang Clubhouse ay isang internasyonal na kilusang may mahigit sa 340 Clubhouse sa Buong Mundo.
Ipinagmamalaki ng California Clubhouse na maging bahagi ng network ng Clubhouse International at bilang miyembro ng Clubhouse International, pinagsisikapan naming sundin ang Mga Internasyonal na Pamantayan para sa Mga Programa ng Clubhouse (TM). Ang mga prinsipyong nakasaad sa Mga Pamantayan ay:
- Nasa puso ng tagumpay ng Mga Clubhouse sa buong mundo sa pagtulong sa mga taong may sakit sa pag-iisip na manatiling wala sa mga ospital habang inaabot ang kanilang mga layunin sa lipunan, pananalapi, edukasyon, at bokasyon;
- Nagsisilbing “batas sa mga karapatan (bill of rights)” para sa mga miyembro at kodigo ng etika para sa mga staff, lupon, at administrator ng Clubhouse, at isang paalala na maging lugar ng paggalang at mga oportunidad para sa mga miyembro ang Mga Clubhouse;
- Ang batayan sa pagtatasa sa kalidad ng Clubhouse sa pamamagitan ng proseso ng Internasyonal na Accreditation ng Clubhouse (TM)
Hanapin ang simbolong "bahay" sa harap ng Clubhouse para matiyak na accredited ito.
Mga Clubhouse sa California
Mag-iskedyul ng Pagbisita!
Welcome na welcome ka -- at sa katunayan ay hinihikayat kang -- bumisita.
Kung saan ito nagsimula noong 1948
Ang Fountain House sa New York ang kauna-unahang Clubhouse. Basahin ang tungkol sa “Small Works” art show ng Fountain Gallery.Ang Clubhouse International ay isang magandang mapagkukunan ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa Clubhouse.
Ang Clubhouse International Model ay kinikilala ng Pangasiwaan ng Mga Serbisyo sa Pang-aabuso ng Substance at Kalusugan ng Pag-iisip bilang Programa at Kasanayang Batay sa Ebidensya
Ang Fountain House/Clubhouse International ay ang ginawaran ng 2014 Conrad N. Hilton Humanitarian Prize. Ang Premyong ito, na $1.5 milyon, ay ang pinakamalaki at pinakapremyadong award na iginawad sa isang non-profit na organisasyong natukoy na gumagawa ng mga pambihirang pagkilos para mapagaan ang mga pinagdaraanan ng tao.